NOAP Kaisa sa ika-127 Taon ng DA

By Crissel Tenolete, APD-NOAP

Nakiisa ang National Organic Agriculture Program (NOAP) sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka na pormal na sinimulan noong Hunyo 23, 2025 sa DA-Central Office, Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

Itinampok at ibinida ng DA-NOAP, kasama si Severino Arrojado Pepito mula sa National Empowerment Development Exchange (NEDEX), isang certified Participatory Guarantee System (PGS) group sa Region III, ang iba’t ibang organikong produkto mula sa iba’t ibang organikong sakahan.

Bukod sa mga produkto, naghanda rin ang DA-NOAP ng iba’t ibang babasahin tungkol sa organikong pagsasaka na maaaring kunin ng mga bisita upang mas makilala ang Programa at ang mga serbisyong hatid nito para sa mga magsasaka at mamamayan. Ang booth ay bukas sa publiko hanggang Hunyo 26, 2025 na matatagpuan sa DA Car Park.

#OAksayon #DAat127 #NOAP #OKsaOA #NEDEX